It’s Showtime May 1, 2024 | Full Episode
ABS-CBN It's Showtime ABS-CBN It's Showtime
2.21M subscribers
293,755 views
0

 Published On May 1, 2024

For today’s episode of “It’s Showtime,” we present to you, ang nag-iisang Dyosa in her rakista era!

Hatid ng bandang Rocksteddy, headlined by Teddy Corpuz, ang isang bagong single para sa mga torpe. But the surprise didn’t end there! Things got even more ‘astig’ and exciting nang lumabas si Anne Curtis sa entablado. Yup, may special participation ang Dyosa sa bagong kanta ng Rocksteddy! Woohoo! Paano nga ba nabuo ang collaboration na ‘to?

In 3, 2, 1, action! Ang acting skills ng “Showtime” kids, worthy of a standing ovation!

For today’s “Showing Bulilit,” nagpabilib sina Kulot at Jaze sa isang intense confrontation scene ala Sharon Cuneta at Robin Padilla mula sa pelikulang “Maging Sino Ka Man.”

Real na real naman ang kilig vibes nang gayahin nina Argus at Kelsey ang isang romantic moment nina Piolo Pascual at Claudine Barretto mula sa pelikulang “Milan.”

Sina Vice Ganda at Vhong Navarro ang panalo sa jackpot round. It must be Vhong’s high energy that brought them victory!

Interesting ang tampok na kwento sa “EXpecially For You!” Konektado ang puso’t pagkatao ng kambal na sina Rizza Mae at Rizza – kaya ba sa iisang lalaki sila nagkagusto?

It all started nang mag-entertain ng manliligaw si Rizza. Pero, nabuo ang ‘conflict’ nang humingi ng tulong kay Rizza Mae ang manliligaw ng kambal n’ya. At dahil mas napadalas ang kanilang bonding, hindi naiwasan ni Rizza Mae na mahulog sa lalaking ito, thinking na hindi s’ya type ni Rizza.

Sino ang mas nasaktan at sino ang nagparaya? At sino ang mapupusuan ni Rizza Mae sa tatlong searchees?

For this Labor Day episode of “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown,” hard at work si Justine Jose ng Governor Andres Pascual College para sa inaasam na panalo. Bigay-todo ang Human Resource student sa pag-awit niya ng “Break It To Me Gently.”

Mula naman sa San Mateo Municipal College, ang scholar na si Lance Ocoma na pinakilig ang madlang people sa pagkanta n’ya ng “Kung Tayo.”

Sina Zsa Zsa Padilla, Marco Sison, at Louie Ocampo ang humatol sa mga estudyanteng kumasa sa hamon ng entablado. Sa huli, si Lance ang nakakuha ng grado na 95.3%; siya ang pasok sa ‘prelims’ o weekly finals sa Sabado. Samantala, 93% naman ang score na nakuha ni Justine.

#KapamilyaOnlineLive
#ItsShowtime
#ShowtimeKulitSaTagInit

show more

Share/Embed